READ: Mga batang di makapag-aral at kailangan makakuha ng pera sa pang-araw araw nilang buhay

Nakakadurog ng puso, kung meron kang makikitang ganito sa paligid mo, sa bawat hakbang ng iyong mga paa, may makikita kang naka-upo at nanlilimos sa mga bawat madaanan at makasalubong nilang tao. May mga tao pa rin natitiis nila ang mga ganung panyayari at hindi nila magawa o mabigyan ng kahit kaonting barya sa kanilang bulsa, at may mga tao rin naman na maawain at matulungin na hindi nila kayang matiis ang mga taong, nangangailangan ng tulong at pagkain.

Isipin mo na lang. Ngayon ay nag-aaral ka? Habang ikaw ay nag-aaral? at hindi mo ito pinagbuti, mas pinili mo ang gusto mo at mali. Habang may mga batang, gustong makapag-aral, gustong makahawak ng lapis, gustong makahawak ng papel, gustong matutong makapag-basa at sulat, gusto may mga bagong makilalang kaklase, gustong may gagabay sa kanilang teacher at gusto nilang makatapos at magkaroon ng magandang buhay sa darating na panahon, ngunit wala silang pangpa-aral. Kung tatamarin ka mag-aral at ititigil mo ito, hindi malayong mangyari sa buhay mo ang mga nakikita mo sa larawan ngayon.

Nasayo na ang oportunidad para makapag-aral at makatapos, ngunit sinasayang mo ito. Maraming bata ang di nakakapag-aral gustuhin man nila, ngunit wala pang pa-aral sa kanila ang mga magulang nila.